Xyriel Manabat, pursigidong magdemanda vs TNVS driver na nambastos online; Grab Philippines, naglabas ng pahayag
CONTENT ADVISORY: The following article contains sensitive content. Reader discretion is advised.
Hindi palalampasin ng aktres na si Xyriel Manabat ang ginawang pambabastos at sexualization sa kanya ng isang TNVS driver matapos ang kanilang naging biyahe.
Sa isang panayam sa press conference ng kanyang bagong serye na 18th Rose, emosyonal ngunit matapang na ibinahagi ni Xyriel ang kanyang dismayang matapos maging mabait at mag-tip pa sa driver, ay lewd comments at "double-meaning" na caption ang nakuha niya bilang kapalit.
Ang Tugon ng Grab Philippines
Agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang Grab Philippines at kinumpirmang sumailalim na sa preventive suspension ang nasabing driver-partner habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Zero Tolerance: Binigyang-diin ng kumpanya na mayroon silang "zero tolerance policy" para sa anumang uri ng misconduct.
Protocol Review: Nangako rin ang Grab na rerepasuhin ang kanilang mga safety protocol para sa mga driver, lalo na ang pag-uugali ng mga ito matapos ang biyahe (post-trip conduct).
Safe Spaces Act at Karapatan ng Kababaihan
Ang insidenteng ito ay muling nagbukas ng diskusyon tungkol sa Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law), kung saan ang anumang uri ng sexual harassment sa pampublikong lugar at online—kabilang ang lewd remarks at pang-o-objectify—ay may kaukulang parusang legal.
Binigyang-diin ni Xyriel na hindi kailanman dapat maging dahilan ang pananamit para mabastos ang isang tao. "Imagine kung gaano kahirap ang buhay ng isang babae... It's never about the piece of clothing. Nakapantrabaho ako. Maayos ko siyang kinausap," aniya.
Sa huli, nanindigan ang aktres na layon niyang maging boses para sa ibang mga biktima na hindi kayang ipagtanggol ang sarili. "I am never scared to express my passion about protecting women... it fuels reason to be more brave," dagdag pa niya.
Nagpahayag ng matinding pagkondena sina Senator Risa Hontiveros at Representative Sarah Elago ng Gabriela Women's Party kaugnay ng pambabastos ng isang TNVS driver sa aktres na si Xyriel Manabat.
SHOW CAUSE ORDER AT PAUNMANHIN
Bagama’t naglabas ng taos-pusong public apology si Boss Toyo Mansi para kay Xyriel, umani pa rin ng batikos ang kanyang post na nagdulot umano ng maling interpretasyon at matinding hinanakit. Binigyang-diin niya na wala siyang intensyong manakit ng damdamin. Gayunpaman, nitong April 11, naglabas ng Show Cause Order ang LTFRB laban sa kanya. Ayon kay Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II: “No woman deserves to be treated this way. This is the reason behind our Bawal Bastos campaign, and this campaign against sexual harassment and discrimination in public transportation will serve as our motivation and basis in holding accountable this TNVS driver,”
Nag-uulat Miranda, Ken Klark L. Flores, UNA SA AKSYON BALITA
Published: 2:54 PM, April 9, 2026
Updated: 8:20 AM, April 13, 2026


Comments