Fuel Subsidy para sa 8,481 PUV Operators at Drivers, Tuloy-tuloy ang Pamamahagi
Nasa 8,481 public utility vehicle (PUV) operators at drivers na ang saklaw ng Fuel Subsidy Program ng pamahalaan hanggang ngayong April 22, 2026. Sa huling ulat ng LTFRB, mahigit 3,086 na operators na ang matagumpay na nakatanggap ng kanilang ayuda, habang nasa 3,104 na drivers naman ang kasalukuyang nasa payroll processing
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, patuloy ang mabilis na distribusyon ng pondo sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at gabay ni DOTr Acting Secretary Giovanni "Banoy" Z. Lopez. Layunin ng hakbang na ito na maibsan ang pasanin ng transport sector sa gitna ng tumataas na presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East at matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa mga commuters.
Bukod sa direktang ayuda, naglunsad din ang gobyerno ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food and Transport (UPLIFT) na nagbibigay ng ₱10 discount kada litro ng diesel sa mga piling gasoline stations para sa mga kwalipikadong tsuper.

Comments