70 PROBINSYA SA BANSA, SUMASALALAY NA SA TINDI NG TAGTUYOT

Ayon sa pinakahuling assessment ng DOST-PAGASA ngayong Abril 2026, lumobo na sa pitumpung probinsya sa bansa ang nakararanas ng matinding epekto ng kakulangan sa ulan bunsod ng El NiƱo. Sa kasalukuyan, labinlimang lugar na sa Luzon ang nasa ilalim ng Drought, kabilang ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Quirino, at Tarlac.

Nakataas naman ang status na Dry Spell sa tatlumpu’t dalawang probinsya. Sa Luzon, kabilang dito ang Metro Manila, Albay, Bataan, Batangas, Bulacan, Cagayan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Laguna, Marinduque, Masbate, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Pampanga, Quezon, Rizal, Romblon, Sorsogon, at Zambales. Sa Visayas, apektado ang Antique, Guimaras, at Northern Samar, habang sa Mindanao ay kasama ang Basilan, Davao City, Davao del Norte, Davao del Sur, Sulu, Tawi-Tawi, at Zamboanga del Sur.

Samantala, nasa ilalim ng Dry Condition ang dalawampu’t tatlo pang lugar. Kabilang dito ang Aurora sa Luzon; ang Aklan, Biliran, Capiz, Eastern Samar, Iloilo, Leyte, Negros Occidental, Samar, at Southern Leyte sa Visayas; at ang Agusan del Sur, Bukidnon, Davao Occidental, Davao Oriental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat, Zamboanga del Norte, at Zamboanga Sibugay sa Mindanao.

Dahil sa banta ng mas matinding init at posibleng kakulangan sa suplay ng tubig sa mga susunod na linggo, muling nagpapaalala ang mga awtoridad na magtipid sa paggamit ng tubig at iwasan ang matagal na exposure sa sikat ng araw. Ugaliin din ang pag-inom ng sapat na tubig upang makaiwas sa heat-related illnesses at patuloy na suportahan ang ating mga lokal na magsasaka na direktang tinatamaan ng tuyot.

Maging handa at manatiling ligtas.

Comments